Orange County Registrar of Voters

2025 Statewide Special Election

November 4, 2025

Public Service Announcement

 

VOICEOVER

Nagsimula na ang pagboto sa ikaapat ng Nobyembre, Dalawang Libo at Dalawampu't Limang Espesyal na Halalan sa Buong Estado.

Ang mga balota ay ipinadala sa lahat ng rehistradong botante sa Kondado ng Orange.

Registrar ng mga Botante sa Kondado ng Orange ay nakatuon sa pagprotekta sa karapatan ng bawat botante na bumoto nang madali at ligtas.

Mayroong apat na paraan para iboto ang iyong balota.

Una. Maaari kang bumoto sa pamamagitan ng koreo. Hindi kinakailangan ang selyo. Ang balota mo ay dapat may tatak ng koreo bago ang ikaapat ng Nobyembre.

Ikalawa. Maaari mong ilagay ang iyong balota sa isa sa isang daan at dalawampu't apat na drop box sa Kondado ng Orange o ibalik ito sa isa sa tatlong lokasyon ng drop off...

...o Ikatlo. Dalhin ito sa anumang Sentro ng Pagboto sa Kondado ng Orange.

Ang opisina ng Registrar ng mga Botante sa Santa Ana ay mayroon ding drop box ng balota at available para sa lahat ng serbisyo sa mga botante sa mga regular na oras ng negosyo, Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Bisitahin ang O-C-Vote [dot] gov [slash] about para sa higit pang impormasyon.

At Ikaapat. Maaari ka ring bumoto nang personal sa alinman sa mga Sentro ng Pagboto.

Tatlumpu't dalawang Sentro ng Pagboto sa Kondado ng Orange ay bukas sa ikadalawampu't lima ng Oktubre. Tatlumpu't apat na karagdagang Sentro ng Pagboto ang bukas sa Una ng Nobyembre.

Lahat ng Sentro ng Pagboto at mga drop box ng balota ay nagsasara nang alas-otso ng gabi sa ikaapat ng Hunyo.

Para sa mga lokasyon at oras ng mga Sentro ng Pagboto, bisitahin ang O-C-Vote [dot] gov [slash] votecenter.

Maaari mo ring tawagan ang aming Hotline ng Botante sa eight-eight-eight-O-C-VOTES. Iyon ay eight-eight-eight-six-two-eight-six-eight-three-seven para sa higit pang impormasyon.

Tandaan ang Kondado ng Orange, Bumoto nang Madali. Bumoto nang Ligtas.